Natatandaan ko nung freshie ako, tuwang-tuwa ako kasi madalas na ako makakatikim ng isaw, kasi nung nasa Laguna pa ako, pinagbabawalan akong/kaming kumain ng mga street foods. Ang arte lang kasi, hindi naman kami mayaman para pagbawalan ng ganito. Isipin mo na lang kung gaano ako kasabik puntahan si Mang Larry tuwing pagkatapos ng huling klase ko.
May reputasyon na ang isaw ni Mang Larry. Ilang beses na rin siyang na-feature sa mga pangunahing pahayagan sa Pilipinas at mga palabas sa telebisyon. Kaya naman, mas lalo akong panatag na kumain ng isaw kasi alam ko, malinis ‘to.
Tapos may isa ring isawan na dati malapit sa Ilang na napalipat sa may Law. Masarap din, manamis-namis ang timpla. Pero dahil malayo-layo ang lalakarin ko para lang dayuhin ang isawang ito mula sa boarding house, mas napalapit sa puso ko yung isaw ni Mang Larry. Ilang tambling lang, andun na ako.Maraming mga tao ang nakasama ko sa isawan: mga housemates ko, mga nagiging kaklase ko, mga orgmates ko, mga naging kaibigan ko sa Tumblr, mga naging kaibigan ko sa Garena at sa Multiply, mga naging boyfriend ko at ang boyfriend ko ngayon (na sana siya na ang huling boyfriend na dadalhin-dalhin ko dun)…malaking bahagi ng pagka-Iska ko ang isawan na ‘to. Cheesy pakinggan. Dati, sumisigaw lang sila kapag andyan na ang order mo. Ngayon nag-upgrade na sila, may mga gadgets na sila para mas madali mo silang marinig.
Nakakalungkot lang, lumipat na ng pwesto si Mang Larry. Mula sa may malapit sa Kalay, pumwesto na rin sila halos katabi nung manamis-namis na isawan (yung orange). May ipinatayo na kasing dorm dun sa dating area, parang ang chismis eh nireklamo na pumupunta daw yung usok sa gusali. Kaya kapag sinumpong ako ng cravings, sa ayaw at sa gusto ko ay sasadyain ko yung extension ng parking lot ng Law, yung bakanteng lote na tapat ng dorm na para sa mga foreigner na estudyante ng UP. Okay lang. Para lang makakain ng pinakamamahal kong isaw.
Kahit hindi na ako madalas pumunta ng UP at marami-raming klaseng isaw na nakain mula sa ibang lugar, ito ang mananatiling paborito ko.
(via unibersidadngpilipinas)
Via kaththecrapout
My all-time favorite
THIS SHIIIIT IS BOMB !
Waaaah!!! Proben naman jan from UPLB :)
I missssssedddd.